Thu, 21 Jan 2021

Health surveillance para sa baka, kalabaw, inilunsad ng BAI

Philippine Information Agency
05 Dec 2020, 16:38 GMT+10

LUNGSOD QUEZON, Dis. 5 (PIA) -- Inilunsad ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ang health surveillance ukol sa "Contagious Bovine Pleuropneumonia (CBPP) in Cattle and Water Buffalo in the Philippines" na gagampanan ng mga Animal Health Coordinators sa buong bansa.

Sa talaan ng DA, walang CBPP sa Pilipinas. Ang CBPP ay sanhi ng bakteryang Mycoplasma mycoides subspecies mycoides small colony. Ito ay umaabot hanggang 50% ng pagkakasakit at pagkamatay sa populasyong maaapektuhan nito sa ibang bansa.

Dahil dito, ang CBPP ay naitala bilang isa sa tatlong pinakamapinsalang sakit sa baka.

Ang naturang proyekto ay naglalayong malaman at maitala ang kalagayan o kalusugan ng populasyon ng baka at kalabaw sa bansa laban sa sakit na CBPP.

Ayon sa BAI, ang pag-aaral na ito ay kailangan upang makapag-apply ang bansa ng freedom status mula sa CBPP sa World Organisation for Animal Health (OIE).

Ang pagkakaroon ng pagkilala na CBPP-free status ay mahalaga para sa pagkakalakal ng mga produktong mula sa baka at kalabaw sa ibang bansa, dagdag pa nito.

Layunin ng paglulunsad ng proyekto na maging mulat ang mga Animal Health Coordinators ng bansa ang tungkol sa sakit na CBPP, at makipag-ugnayan para magkaroon ng mas komprehensibong aksyon sa pagsasagawa ng proyekto upang makapag-apply para sa OIE CBPP Free Status.

Ang proyekto ito ng DA-BAI ay pinamunuan nina Dr. Florence D. Silvano, Dr. Arlene Asteria V. Vytiaco, Dr. Christian P. Daquigan, Dr. Armando A. Antonio III, Dr. Mariane Jane B. Addatu, Ms. Andrea Joyce C. Arbues, at Dr. Kiara V. Garcia katuwang ang mga Animal Health Coordinators ng bansa. (PIA NCR)

More Italy News

Access More

Sign up for The Italy News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!